Munting Prinsipe
I. Introduksyon
Si Antoine de Saint-Expupery ay isang kwentista,makata, peryodista, at pilotong French. Iginawad sa kaniya ng France ang pinakamataas na pagkilala sa larangan ng panitikan at national book award mula sa United States. Ang nobela niyang The Little Prince ay unang inilimbag sa Amerika ng Reyna at Hitchcock noong Abril 1943 sa wikanh French at English at sa France nang lumaya na ang France dahil ipinagbawal ng Vichy Regime ang lahat ng mga isinulat ni Antoine de Saint-Expupery.
II. Buod
May isang piloto at isang munting prinsipe, ibinahagi ng munting prinsipe ang kanyang kalagayan sa kanyang maliit na planeta ang nagpaguhit siya ng tupa sa piloto. Sinalaysay ng munting prinsipe ang tungkol sa paglubog ng araw sa kaniyang planeta. Sinalaysay rin niya ang natatanging rosas sa kaniyang planeta at kung pano niya ito pinahahalagahan. At isang araw naisipan niyang umalis para maglakbay ngunit nalungkot ang rosas, habang naglalakbay ay nakita niya ang isang negosyanteng nagbibilang ng pera at isang hari na humihingi ng katanungan sakanya ngunit tinanggihan niya ito at nagpatuloy sa paglalakbay. Pagkatapos nakakita siya ng isang taong may lamplight na papalit-palit ng ilaw sa kadahilanang mabilis ang oras sa kaniyang planeta. Pagkadating niya sa mundong earth nakakita siya ng mga rosas at inakalang iisa lamang ang rosas sa mundo, umiyak sya at nagpaalam. Habang naglalakad nakakita siya ulit ng isang soro na umiiyak at kinausap siya nito, silang dalawa ay naging magkaibigan. Sinabi ng soro na bumalik sa mga rosas at pagbalik ay bibigyan niya ito ng sikreto, bumalik ang munting prinsipe sa mga rosas at bumalik rin sa soro. Pagkabalik ay sinabi ng soro ang sikreto. Umalis ang prinsipe na parang bula sa harap ng piloto at nagpakita sa panaginip.
III. Pagsusuri
Humanismo dahil ang kaniyang asal ay kanyang ginawa sa pagpapakita na isang mabuti at mapanuring prinsipe na may malaking impluwensya sa mundo.
Realismo dahil sa mga bagay na naninirahan sa mundo kagaya ng tao, rosas, at hayop, dahil din sa nagpapakita ng totoong buhay sa pagkilala ng munting prinsipe sa piloto.
Feminismo ay isa din dahil sa pinapakita ang pantay na pamumuhay ng mga babae kagaya na lamang ng rosas na naging direksyon sa kaniya at sa tulong ng munting prinsipe.
Eksistensyalismo ay isa din dahil nakatuon ang munting prinsipe sa rosas na kanyang inilagaan at kanyang hindi pinabayaan galing sa ibang planeta.
Klasismo ang panghuling teorya nang dahil sa noong nakilala ng munting prinsipe ang soro at binigyan siya nito ng kaalaman at binigyan rin siya ng mga kaunting kaalaman.
IV. Opinyon
Ang aking opinyon tungkol sa istoryang ang munting prinsipe ay ito’y nagpapakita ng pagiging matulungin at pagbibigay halaga ng prinsipe sa mga bagay at mga tao na kaniyang nakikisalimuha, habang siya ay naglalakbay pa lamang at naging bunga ng kanilang pagiging magkaibigan, lalo na sa piloto na kanyang sinabihan sa kanyang naranasan.
Comments
Post a Comment