Posts

Munting Prinsipe

I. Introduksyon Si Antoine de Saint-Expupery ay isang kwentista,makata, peryodista, at pilotong French. Iginawad sa kaniya ng France ang pinakamataas na pagkilala sa larangan ng panitikan at national book award mula sa United States. Ang nobela niyang The Little Prince ay unang inilimbag sa Amerika ng Reyna at Hitchcock noong Abril 1943 sa wikanh French at English at sa France nang lumaya na ang France dahil ipinagbawal ng Vichy Regime ang lahat ng mga isinulat ni Antoine de Saint-Expupery. II. Buod May isang piloto at isang munting prinsipe, ibinahagi ng munting prinsipe ang kanyang kalagayan sa kanyang maliit na planeta ang nagpaguhit siya ng tupa sa piloto. Sinalaysay ng munting prinsipe ang tungkol sa paglubog ng araw sa kaniyang planeta. Sinalaysay rin niya ang natatanging rosas sa kaniyang planeta at kung pano niya ito pinahahalagahan. At isang araw naisipan niyang umalis para maglakbay ngunit nalungkot ang rosas, habang naglalakbay ay nakita niya ang isang negosyanteng nagbibila...